GPOY- busy Wednesday. Sobrang excited talaga ng mga politicians, lahat halos ng trabaho ko today eh for election na. Nakakapikon pa eh bibigyan ka ng sobrang “pangit” na picture at magdedemand na pagandahin daw sila…whut the EEFFFF? Hindi ako diyos at lalong hindi ako si Belo! Nakakainis din yung mga alam mong wala namang nagawa, gusto lang magpasikat at mangurakot tapos gusto pang bumalik sa pwesto, Leche! Samahan pa ng mga pangako nilang alam mo namang hanggang election lang. Hay Buhay! Kaya sana naman sa mga boboto jan, maging wise na tayo, kapag alam mong wala namang kwenta o nagawa ang isang kandidato wag mo nang iboto, sayang lang ang karapatan mo at higit sa lahat sa kanila lang mapupunta yung tax na binabayad mo. 

Oh well papel, tama na nga. Wala namang kwenta mga pinagsasasabi ko, sabaw na utak eh. Masaya lang ako dahil White Wednesday kami. Ang sarap lang magsuot ng white shirt dahil ang presko sa pakiramdam. Plus, eto may nakulimbat akong Rey Ban Shades sa bag ni Aiko, lakas makapogi talaga ng mga ganitong salamin eh no? Kaso parang di ako tinablan kaya pasensya na kayo sa pagmumukha ko sa dash ninyo. Minsan lang to padaan lang. Magandang araw!

Notes

  1. iamklienzh posted this

← Previous Post Next Post →