It’s 2:56 Am hindi pa ako makatulog. Marahil dahil sa isang rootbeer in can na nainom ko. Nga pala, nakaubos na ako ng 2 breadpan (takaw ko no?) Ewan, maraming tumatakbong bagay ngayon sa utak ko. Ba’t kaya ganun? Ang daling mabuhay pero napakakumplikado ng mga bagay-bagay na kasabay nito. Ang totoo, hind ko na alam minsan kung ano nang tumatakbo sa utak ko. Napapagod na ako sa buhay ko, siguro lahat naman tayo minsan nararamdaman ito. Ang sarap isipan na kung meron lang sanang ttaong nanjan para pasayahin ka diba? Yung taong mageeffort din kahit papano para pangitiin ka. Nakakapagod din kasi minsan kung ikaw na lang lagi ang nagbibigay. Oo, masarap sa pakiramdam na napaparamdam mo kung gaano mo kamahal ang isang tao pero ng walang kapalit pero aminin mo minsan nakakapagod din lalo na kung umaasa ka na ganun din ang ipaparamdam niya sayo. Madalas sa kultura natin reponsibilidad ng isang lalake ang suyuin ang isang babae, ibigay ang lahat ng bagay na ikaliligaya niya at higit sa lahat ang mahalin siya ng buong puso. Sabagay, oo totoo yun, pero minsan kaya naisip nila na kailangan din ng mga lalake ng ganitong mga bagay at atensyon? Lahat naghahanap ng isang taong magpaapaligaya sa kanya, isang tao na laging nariyan pag kailangan niya ng makakapit, isang tao na tatapik o babatok sa kanya para sabihin ang mali niya pero pagtapos eh yayakapin siya ng mahigpit at sasabihing “Wag kang magalala, bati na tayo, pinapatawad na kita.” Mga simpleng bagay na hindi na madaling gawin pero madalas eh nakakalimutan.
Sa mga panahong to napatanong ako sa sarili ko kung anu ba talaga? Napapagod na siguro ako kabibigay, kahit papano gusto ko naman maramdaman na may isang tao manlang sa paligid ko ang nagaalala sakin. Na tatanongin ako kung ok ba ako, yun lang. Minsan may nagtanong sakin kung pano ba ako magmahal, isa lang ang nasabi ko, “LAHAT”. Oo, binibigay ko lahat ng makakaya ko sa taong mahal ko, kahit imposible gagawin kong pusible para sa kanya. Halos nga hindi na ako nagtitira ng para sa sarili ko mapasaya ko lang siya. Hindi ako naghahangad ng kahit anong kapalit, simpleng ngiti lang sa labi nniya eh masaya na ako. Masasabi kong napakababaw kong tao. Oo, inaamin kong kinikilig din ako sa mga maliliit na bagay, basta alam kong galing sa puso. I’m not really into material things, ok na nga sakin kahit yakap lang. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko minsan parang nagmumukha na akong tanga pero wala akong magawa, mahal ko eh. Hindi ko naranasan minsan manlang sa buhay ko na habulin o hangaan ng isang tao. Alam mo yung pakiramdam na you have to do everything just to win somebody’s heart? Ganun, oo desperado na siguro marahil ang saktong salita para dun. Hindi naman ako ganun ka gwapo, ni wala nga akong appeal`kaya ano pa ba magagawa ko diba? Naalala ko, nanligaw nga ako ng halos 7 years sa isang tao just to know one day na siganot niya lang pala ako dahil napilitan na siya. Sa una masakit pero kalaunan, natutunan niya na rin akong mahalin.
I’m just an average person, mababaw, makulit at paminsanminsan sweet. Hahaha, yan ang sabi niya. Madalas stressed sa trabaho, inaamin ko workaholic talaga ako. Halos mas gusto ko pang ilugmok ang sarili ko sa harap ng pc kaysa antayin na may taong mageeffort manlang para kamustahin ako. Teka, pansin nyo paulit-ulit na lang tinatype ko? Pasensya na. Gusto ko lang ilabas to. Ang gusto ko lang naman talaga eh iparamdam naman sakin ng taong mahal ko na mahal niya rin ako, na mahalaga ako, na inaalagaan niya rin ako kasi napapagod na din ako eh, napapagod din ako na ako na lang lagi ang gumagawa ng bagay-bagay para sa kanya. Nakaksawa na. Ang alam ko kasi sa isang relasyon dalawang tao ang dapat nageeffort for it to last, pero bakit pakiramdam ko magisa lang ako, pag nagkabilangan ako pa rin ang talo? Ba’t naman ganun? HIndi naman sa pagmamalaki, wala nang taong katulad ko siguro ang makakagawa ng mga bagay na ginawa at ginagawa ko sa kanya. Gusto ko lang na minsan kahit minsan lang, siya naman ang lalapit sa akin para yakapin ako at sabihin niyang mahal na mahal na mahal niya ako. Kasi kahit minsan hindi niya pa nagawa sa akin yun. HIndi pa talaga. Parang ako lang kasi ang patay na patay sa kanya. Yun lang, yun lang talaga, magiging masaya na ako. Simpleng bagay lang yun para sa kanya pero malaking bagay na yun para sa akin. Hindi naman siguro pagiging makasarili yun diba?
Kung mabaabsa niya to malamang magagalit nanaman siya. Pero siguro ok na din. Hindi ko na din kasi alam kung san ko ilulugar ang sarili ko. Oh siya, kelangan ko nang matulog. Pasensya na sa kasabawan at kadramahan ng utak ko, 3:37 na, gigising ma ako ng 7AM. Hope everything will be fine later. Wish me luck.








__________________________________________________








>

